myspace matrix graphics - http://www.matrixtext.com


   
 
  ABOUT ME 2


       Hindi rin naging madali sa akin ang pagpapatuloy ko ng pag aaral sa Pampanga, kahit ang school na pinapasukan ko ay halos mga 100 metro na lang layo mula sa bahay namen, kasi kahit may pasok ay maaga pa rin ako gumigising at tumutulong ako sa pagtitinda, at paglabas ko naman ng hapon ay diretso na rin ako sa palengke para mag abang ng mga paninda namen. Pero hindi ako nawawalan ng assignment at hindi rin ako nagkaroon ng kahit isang bagsak. Noong una, pabila bilao lang kami, pakariton kariton, hanggang naging papag na ang aming tindahan. Ang hirap ng buhay kapag nagsisimula ka pa lang sa palenke, makakaranas ka ng trato na parang isa kang kriminal, hinuhuli paninda namen, minsan nga may isang tarantadong pulis pagdaan nya sa pwesto namen pinagsisipa nya mga paninda ko at nanabog ang mga iyon. Gusto ko man magwala at sumabog sa galit eh wala rin naman ako magawa dahil musmos pa ako at may katungkulan ang aking lalabanan. Nag ipon kami ng nag ipon sa alkansya, hanggang sa isang araw ay nagbasag kami ng 3 hitik na alkansya. Malaki laki rin ang naipon namen. Nakapagbyahe kami ni nanay ng kalabasa, at sa kalabasa ay unti unting lumago puhunan namen at nakapagbyahe na kami ng dalanghita. Paarkiarkila lang kami noong una pero dahil na rin sa patuloy naming pagsusumikap ni nanay katulong ang Panginoon ay nakabili rin kami ng second hand na jeep. Pinangalanan namen ang jeep na yun na si Buena Mano. Naging kaagapay namen si Buena Mano sa aming hanap buhay. Naging mas madali na sa amin makapag angkat ng mga kalakal. Ngunit totoo nga pala ang kasabihan na kapag mataas ang lipad, mataas ang bagsak. Habang umuunlad na kami ay hindi namen namamalayan ng nanay ko na unti unti na palang inaanay ang pamilya namen. Hope you get what I mean, I don't want to detail the whole story. Doon lalo pa akong nagpakatatag kasi kailangan ako ng mama ko. Kaya nga nagtapos ako ng elementary para akong uling kasi sunog na sunog ang balat ko sa pagtitinda. Payat din ako at ngalumata kasi naman laging puyat. Nagtapos ako ng elementarya ng walang sabit kundi pagtingala saken ng mga taong nakakakita ng pagsusumikap ko at pagtulong ko kay mama.
       Nag aral ako sa Catholic School na may battle cry na "Laus Deo Semper" or "Praise God Always". Naturingan ngang katolikong paaralan ang pinasukan ko ndi naman ako natutong magrosaryo. Kasi kahit sa Catholic School ako nag aaral ay BORN AGAIN ang celebration na dinadaluhan ko. Doon ako namulat sa pananampalataya at pananalig sa Panginoon. Isa lang akong simpleng estudyante ng unang taon ko sa high school. Wala kasi ako masyadong panahon makipagbarkada dahil bahay eskwela palenke ako. Pero nagbago ang lahat ng tumuntong ako ng 2nd year, dun na ako nag umpisa magkaroon ng crush, unang gf, dalawang gf at maraming gf, mag inom, mag over the bakod, magpakalulong sa bilyaran, computer at sugal. Pero kahit ako'y lulong sa bisyo ndi ko naman napabayaan ang pag aaral ko, kasi marami akong mga connections, nahihiraman ng notes kapag may quiz, nagtututor kapag may assignment, iba talaga kapag ikaw ang president ng klase. Marami kang magiging kaibigan lalo na kung magaling ka makisama, nung una ay ako ang nahila ng mga kaklase ko sa bisyo pero sa di kalaunan ay ako naman ang humila sa kanila pabalik sa tamang landas. Ako ang naging tagaayos ng mga gusot at minsan ako din ang gumagawa ng gusot,hehe! Siyempre tao lang nagkakamali din. Ayaw ko kasi ng mga nagchecheating kaya mga kaklase kong cheater galit na galit saken kapag binibisto ko sila kaya madalas nauuwi sa away. 2nd Year din ng unang iyak ko sa pagibig dahil nagbreak kami ng 2nd gf ko, si Heather Joy Steinrock. Akala ko kasi nun ganun ang love kapag sineryoso everything will be alright. Apat na buwan din kasi naging kami kaya medyo malalim na ang ugnayan namen para sa isang neophyte loverboy na kagaya ko.hehe! Eh 1st gf ko kasi naman kahit break na kami at kami na ni heather joy eh on and off pa rin kami, ,how ironic nga eh, ,she's my 1st times 2, ,dahil siya unang gf ko tapos siya pa unang naging eskabetche ko, ,haha! noon un noong panahon ng kapilyohan at kapusokan ko. Eh si Heather barkada ko bago ko naging gf. At ang pinakabest thing na nangyari sa buhay ko sa 2nd year life ko sa high school ay ang makilala ko ang dalawang taong napakaimportante sa buhay ko. Sila ang tinuturing kong best friend ko. Si Bernie at si Raquel. Until now kami pa rin tatlo ang best friends.

<---PREVIOUS     NEXT--->

My Hot Stuff
 
My Picture Slideshow
 

My Playlist
 

My Playlist
 

My Games
 
Dragon Wars Logo

Street Racing

Mafia Wars

Vampire Wars

Hold em Poker
 

This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?

Sign up for free